top of page

Public Advisory: Kaalaman tungkol Sa Covid-19

  • Writer: Lutong-pinoy
    Lutong-pinoy
  • Jul 10, 2020
  • 1 min read

Lahat

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng COVID-19. Mahalagang gawin lagi ang sumusunod:

  • Hugásan ang mga kamay nang 20 segundo o higit pa gámit ang sabon at tubig (Subuking awitin ang korus ng paboritong kanta habang naghuhugas)

  • Gumamit ng hand sanitizer na may 70% alcohol kung hindi mahuhugasan ang mga kamay nang 20 segundo o higit pa

  • Iwasang hawákan ang iyong mukha, lalo na ang iyong bibig, mga mata, at ilong

Kapag nása labas ka at pupunta sa mga publikong lugar tulad ng groseri, mga pamilihan, botika, at bangko:

  • Tiyaking 1 metro ang distansiya mo sa ibang tao

  • Iwasang humawak sa mga bagay na hinahawakan ng maraming tao tulad ng mga pihitan ng pinto, mesa, upuan, atbp.

  • Hugásan ang mga kamay gámit ang tubig at sabon pagkatapos humawak ng mga hayop o mga produktong mula sa hayop

Maglinis at mag-disinfect

  • Laging linisin ang mga rabaw (surface) sa iyong bahay at opisina. Kabílang dito ang mga mesa, pihitan ng pinto, switch ng ilaw, countertop, hawakán, desk, telepono, susi, keyboard, banyo, gripo, at lababo.

  • Linisin ang mga rabaw sa iyong bahay, lugar ng trabaho, at negosyo

  • Mag-disinfect gámit ang bleach solution (7 kutsara [100mL] ng 5% bleach solution sa1 litrong tubig)

  • I-disinfect ang mga bagay na madalas mong gamítin (gaya ng cellphone, susi, salamin sa mata, keyboard, atbp.) gámit ang 70% alcohol solution.

Karagdagang impormasyon tungkol sa...

Source : DOH



 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page